Julia Barretto sa JUJU Club

KUNG  akala nyo, Maganda lang si Julia Baretto at wala nang iba, mali kayo. Isa rin siyang determinadong negosyante, na nagnanais na sumikat sa mundong ito sa mga susunod na taon.

Last year, binuksan niya ang JUJU Club, isang online store nqa ang nagbebenta ay ang Shopee at Lazada. Gusto ng young star na mai-share ang hilig niya sa mga makukulay na bagay at chunky accessories na pwedeng isoot araw-araw.

Nagsimula lang ang The Juju Club bilang pagpapakilala ng sarili niyang lifestyle brand. Naglabas siya ng sa tingin niya ay *cutest* accessories tulad ng bucket hats, singsing, hair clips, at iba pang kakikayan. Wala lang. at dito nan ga nagsimula ang pagiging entrepreneur ng actress, na ngayon ay magdadalawang taon na pala.

Nag-expand na rin ito sa aesthetic swimwear na tamang-tama ngayong summer. Sorry, wala pa pong panlalaki, puro pambabae pa lang. kaya nga heto, si Julia mismo ang model ng mga swimsuits na ipinagbibili niya, na siya rin mismo abg nag- design. Dahil siya nga ang nag-design, natural lang na bagay sa kanya, kahit pa one-piece o two-piece. At ang mga two-piece suits, pwedeng pagpalit-palitin kaya kahit tatlo lang ang swimwear mo, mukhang marami pa rin. Mix & Match ang tawag dun, batay sa true Julia Barretto fashion. They all come in neutral shades tulad ng itim, puti, at brown, na napakadaling bagayan ng kahit anong kulay! NLV