MULING nakita sina Coco Marin at Julia Montes sa isang shopping center, sa isang siyudad sa Metro Manila. Kahit naka-face masks at face shields ang dalawa ay marami pa rin ang nakakilala. Nuong birthday ni Julia, nakita rin sila sa Caticlan airport papuntang Boracay. Simple lang ang kanilang suot at may proteksiyon din sa kanilang mukha, pero nakilala pa rin sila ng mga tao kaya marami ang nagpa-selfie.
Sa huli naming panayam kay Julia, inamin niyang may nagpapasaya sa kanya na madalas nakasuot ng leather jacket, palangiti, mabait – swak na swak sa mga katangian ni Coco. Ayaw aminin pero maraming nakaaalam na sa iisang subdivision lamang sila nakatira. May sariling bahay ang aktres na malapit kay Coco, at iisa ang architect na nagdisenyo ng kanilang mga bahay sa Casa Milan. Di ba sa mga post nila sa social media, may mga litrato si Julia na ang interior ay bahay ni Coco? Maging ang baby feeding bottle ay nakuhanan. Nuong Marso 2019, umugong na nanganak daw si Julia sa isang ospital sa San Juan City, Metro Manila.
Masyadong tikom ang bibig ng dalawa kapag pribadong buhay ang pinag-uusapan. Pero hanggang kailan nila ililihim ang lahat, saman-talang nakikita naman silang magkasama sa mga matataong lugar? Ano ba ang ikinatatakot nila? Hintayin na lang nating lumaki ang kanilang lovechild.
***
Suwertihan lang talaga sa syobis. Sisikat ka sa tamang panahon. Si Alden Richards nga, sinuwerte nang maka-tandem niya si Maine Mendoza sa Eat Bulaga, kung saan isinilang ang “AlDub loveteam”. Pareho silang gumanda ang career. Dumagsa ang kanilang TV commercials at endorsements at nagkaroon pa ng mga teleserye at pelikula. Ang malungkot lang, wala silang relasyon.
Maraming fans ang umasang magkakatuluyan ang dalawa, pero natuldukan ang kanilang ilusyon nang ipaalam nila sa madla na si Arjo Atayde pala ang boyfriend ni Maine, at si Alden, naghahanap pa ng babaeng mamahalin. Marami nga ang nangangambang baka tumandang binata si Alden. Sana nga, hindi. Sayang naman. Guwapo, mabait at mayaman, ano pa ba ang hahanapin kay Alden? Babae na lamang talaga ang kulang sa buhay niya. Kahit ang mga fans niya at mismong pamilya ay nagdarasal na sana, ngayong Pasko, may maipakilala silang girlfriend.
***
KUNG feel ninyong manood ng livestream Filipino movies gaya ng “Silab,” “Lockdown,” “Reviriginized,” “Taya” at marami pang tinatawag nilang director’s cut na may mga sexy scenes at frontal nudity, kailangan ninyong magbayad ng P250. per viewing.
Aba, hindi po sila dumaan sa MTRCB for classification and review. Yun nga lang, magtitiyaga ang mga kababayan nating manood sa laptops, cellphones o telebisyon na kinakabitan ng gadgets. Miss na ng moviegoing public ang manood sa movie houses. Sana, matapos na ang pandemic.
400278 320947I genuinely enjoy searching via on this web site , it holds superb articles . 795388
482449 611485If running proves to be a issue then it may possibly be wise to uncover alternative exercises such as circuit training, weight training, swimming or cycling. 360359
759647 536440Some truly nice and utilitarian info on this internet web site , besides I think the layout holds great capabilities. 638388
665675 866493Intending start up a enterprise about the internet involves revealing marketing plus items not only to ladies locally, however somehow to several buyers who are web-based as a rule. e-learning 182622