JULIA KABADONG MAGING LEADING LADY NI COCO

MOVIESTAR CHICKA

Super excited at nakaabang na ang CocoJul fans and followers sa pagbabalik-primetime ng tambalan ng rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes, ngayong kumpirmado nang papasok ang aktres bilang bagong karakter sa longest-running primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probin­syano. Ilang taong pansamantalang namahinga sa showbiz si Julia kaya nakakaramdam siya ng pressure sa pagbabalik-telebisyon.julia and coco

Kinumpirma ng Dreamscape Entertainment ang pagpasok ni Julia sa serye nang ilabas nito sa social media ang mga litrato ng aktres sa story conference at pictorial ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Hanggang December daw ang lock-in taping nito sa Ilocos, at middle of August ang pull-out ng grupo nila.

Finally, tuloy na tuloy na ang balik-tambalan sa telebisyon nina Coco at Julia. Bale ito ang reu­nion project nina Julia at Coco pagkatapos ng        ilang taong panawagan ng mga fans na pagtambalin silang muli. Huli silang nagkatambal sa phenomenal TV dramang Walang Hanggan noong 2012.

Ratsada sa shooting ngayon ang dalawa. Sa Pola, Oriental Mindoro naman daw ang shoo­ting ng comeback movie ng dalawa. Na-miss talaga si Julia ng kanyang mga supporters. Super excited na silang mapanood ang dalawa sa big screen, na matagal nang napapabalitang may relasyon. Wala pa mang direktang pag-amin ang dalawa sa tunay nilang relasyon, hindi naman tanga ang publiko para hindi mahulaan kung ano ang real score sa pagitan nila. Mas lalong na-excite ang CocoJul fans nang matunugang kasama rin sa pelikulang ginagawa ng dalawa sina JM De Guzman at Raymart Santiago. Co-producer ni Coco sa movie si Brillante Mendoza na siya ring director ng pelikula. Matatandaang huling nagkasama sina Coco at Julia sa Star Ci­nema movie na “A Moment In Time” noong 2013. Dalawang tele­serye rin ang pinagsamahan nila sa ABS-CBN, ang “Ikaw Lamang” (2014) at “Walang Hanggan” (2012).

Astig din kaya ang role ni Julia sa FPJAP? Balitang puspusan ang ginagawang traing ni Cardo sa dalaga sa pag­hawak ng baril at martial arts. “Yung preparation sa mga baril ganu’n, tapos, sa pagmo-motor at fight scenes, ganu’n,” lahad ni Coco.

Sa tatlong TV series at isang pelikulang pinagsamahan ng dalawa, aminado silang kumportable na sila sa isa’t isa. Sa pagpasok ni Julia sa FPJAP, posibleng ma-extend ito hanggang 2022 dahil maraming pwedeng mang­yari sa mga character. Kasabay na papasok ni Julia ang mga mahuhusay na artistang sina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo at Joseph Marco.

oOo

KATHNIEL FANS NAGBUBUNYI

Nagbubunyi ngayon ang mga fans and follo­wers nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mataposkathniel nilang makumpirma that the couple will be doing a new teleserye soon at isang pelikula. Pagkatapos kasi ng “The House Arrest”, nag-ce­lebrate ang dalawa ng kanilang 9th anniversary.

Ayon kay Daniel, magteteleserye muna sila at isang movie project. Hindi na siya nag-elaborate tungkol dito pero excited pa rin ang mga fans nila. Huling nagtambal ang dalawa sa blockbuster na pelikulang “The Hows of Us”. Sa kasagsagan ng pandemya ay naipalabas ang digital series na The House Arrest of Us nina Kathryn at Daniel noong isang taon at nagtapos nitong Enero lamang. Hindi natuloy ang movie na dapat gagawin nina Daniel at Kathryn dahil biglang nag-pandemic at bawal bumiyahe sa US.

Siguro naman makakampante na ang Kath­Niel fans dahil hindi matetenga ng matagal ang mga idolo nila. Hayan nga at may nakaabang na palang teleserye at isang pelikula para sa kanila..

oOo

BEA, MARIAN MAGBABANGGA SA GMA 7

Iniintriga at nagkaka-iiringan ngayon ang mga fans nina Marian Rivera at ang pinakabagong Kapuso star na si Bea Alonzo. Ngayong nasa bakuran na ng Siyete si Bea, nag-aalala ang mga fans ni Marian na baka masapawan nito ang kanilang idolong itinuturing na Reyna ng GMA7. In other words, afraid sila na baka maagaw ni Bea ang korona.

Nanatiling tikom ang bibig ni Marian hinggil dito. Hindi siya pumapatol sa intriga. Sa kanyang latest IG post, sinabi ni Marian na inaayos na ang script ng kanyang next project kaya medyo kumalma ang kanyang mga fans. Si Bea naman, nakatakda siyang gumawa ng isang pelikula na co-produced ng GMA Films, kung saan makakasama niya si Alden Richards. Nakahanda na rin ang isang primetime tele­serye.

Si Bea ay isa sa A-list stars ng ABS-CBN at Kapamilya sa loob ng dalawang dekada bago siya pumirma ng exclusive contract sa GMA-7. Alam ni Bea ang status ni Marian sa Siyete bago pa man siya pumasok dito kaya for sure ay alam niya kung saan siya lulugar. Besides, hindi gugustuhin ni Bea na manapaw o mang-agaw ng anuman sa kapwa niya artista

6 thoughts on “JULIA KABADONG MAGING LEADING LADY NI COCO”

  1. 224287 278076Id require to consult you here. Which isnt some thing Which i do! I enjoy reading a post that can make people feel. Also, appreciate your allowing me to comment! 77189

  2. 147644 917255Which is some inspirational stuff. Never knew that opinions may well be this varied. Thank you for all of the enthusiasm to offer such useful details here. 405553

Comments are closed.