MARAMI ang na-amuse sa komento ni Julia Montes sa IG post ni Kathryn Bernardo kaugnay ng ganap ng huli sa “ASAP Natin ‘To Rome”.
Kasama sa komento niya ang salitang puso at heart emojis na labis namang na-appreciate ng tinaguriang Asia’s Superstar.
Obserbasyon tuloy ng netizens, nami-miss ng aktres ang showbiz dahil panay ang paramdam nito sa social media.
Kamakailan lang ipinakita nito ang bago niyang hairstyle at ngayon naman ay may touching pa-comment siya sa post ni Kath.
Sey ng netizens, senyales daw ito na atat nang magbalik ang aktres sa limelight.
Matatandaang sina Kathryn at Julia ang itinuturing na ‘arch rivals’ noon dahil sa popularidad ng kanilang rivalry noong “Mara Clara” days.
Katunayan, kung hindi raw nagpaubaya si Julia sa kanyang karera, malamang ito pa rin daw ang mahigpit na kalaban ni Kath sa trono sa box office at katanyagan.
MGA KALAHOK SA CINE FILIPINO 2020 INIHAYAG NA
INIHAYAG na ng pamunuan ng Cine Filipino Film Festival ang finalists sa ika-4 naedisyon nito.
Pasok sa full-length category ang 27 Exp ni Jopy Arnaldo, Cargo nina Charlson Ong at Angelo Lacuesta, Homecoming ni Sue Aspiras, Ilikdem Mo sa Matam nina Christopher Gozum at Christopher Novabos, Maya-Maya Paparito Na ni Steven Paul Evangelio, Olsen’s Day ni JP Habac, Ouroboros ni Rob Jara at The Boy Foretold By The Stars ni Dolly Dolu.
Sa short film category naman ay napili ang 7-Year Itch ni Dolly Dolu, Memento Mori ni Noel Tonga, Jr., Tayo/Stand Up nina Rolando Dulatre at Elaiza Rivera, Ang’gulo/Unclear ni Zsarina Lacumba, Delta nina Eluigi Macalintal at James Garcia, Kita (Nang) Duha ni Lorys Plaza, Quing Lala Ning Aldo/Under The Sun ni Reeden Fajardo, Alex & Aki ni Dexter Paul de Jesus at Ang Alamat ng Sari-Saring Sari Store ni Claudia Michelle Fernando.
Sa series category naman ay pasok ang B124 ni Jeremy Bolatag, Balete: The Animated Series ni Christian Vidallo, Delikado ni Rob Jara, Life After College nina Kris Ulrich Cazin at Maze Miranda, Manila Encounters ni Ron Dulatre, Philippine Gothic: Habangbuhay ni Dustin Celestino, Raket ni Ron Batallones, Sa Pusod ng Dagat ni Elfren Malabanan, The Junkyard Hippies ni Carlo Obispo at Tindero ni Jelani Maniago.
Ang Cine Filipino filmfest ay itinatag ng Cignal TV at Unitel Productions na layuning itampok ang galing ng Pinoy filmmakers sa kanilang mga obra kung saan ‘ang kuwento ang hari’.
Ayon pa sa kay Madonna Tarrayo, festival director at Joey Reyes, head of competition, mas pinalawak at pinaigting ang lineup ng ikaapat na edisyon nito sa susunod na taon.
Comments are closed.