BINASAG na ni Julia Montes ang kanyang katahimikan sa social media. Sa kanyang Instagram post ay naging emosyunal siya dahil sa nalalapit na pagtatapos ng Going Bulilit, ang programang kanyang pinagsimulan noong siya ay bulilit pa.
Dahil nga sa magtatapos na ang longest-running kiddie gag show after 14 years na pamamayagpag sa ere, nagbalik tanaw si Julia ng kanyang mga alaala sa nasabing show sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang mga lumang larawan noong maliliit pa sila.
Masasabi mo nga sa caption ni Julia ang lungkot at pagiging emosyunal habang nagbabalik tanaw.
“#KuwentongBulilit samahang hindi mo makalilimutan. Dito ako nagsimulang mangarap, nabigyan ng pamilya at mabigyan ng pagkakataon..
“Utang ko sa show na ito ang lahat lalong-lalo na sa Mortiz family. Ang unang pamilyang tumanggap kay “Mara” on and off cam..
“Ang batang wala namang bibo skills at mahiyain pero tinayaan ng aming Tatay na si Direk Bobot..
“Maraming memories sa show na ‘to na hindi mapapantayan…Maraming nabuong pangarap, maraming lesson na hindi malilimutan..
“Wag po natin kalimutan manood ng 2 huling linggo…” ang caption ni Julia.
ANDI EIGENMANN ‘DI NATUPAD ANG WISH NA WATER BIRTHING, NA-CAESARIAN
HINDI nangyari ang gusto sana ni Andi Eigenmann na isilang niya ang ikalawang anak sa isang normal water birth na pinangalanan nilang Keliana Alohi at ang nickname nito ay Lilo.
Napagdesisyunan nila ng kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo sa ika-39th week ng kanyang pagbubuntis na dumaan na ulit siya sa cae-sarean section sa pagsisilang kay Lilo, last July 23.
Ikinuwento ni Andi sa kanyang post ang tungkol sa pinagdaanan niyang panganganak.
“True enough, birth is beautiful no matter how it happens. I couldn’t be any more grateful that our baby girl came out healthy and safe. I realize now that it`s what matters most.
“Just got back home from the hospital and we are already missing the comfort of having people around us to help nevertheless we are super excited and happy to take on this new chapter of our lives with our newborn baby girl.
“Years ago having Ellie made my life so much better. Having Lilo now makes me feel like I have come alive once again.
“It hasn’t yet sunk in that I am now a mama 2, but I sure have been feeling all kinds of grateful for having these two beautiful souls in my life.
“I know it won`t be easy having one more human being to raise, but what nobody tells us is how much more precious every moment is now having two little girls to love and nurture. I`m just so excited for the three of us!”
GERALD AT JULIA INAABANGAN NA MAGPAHAYAG NG TOTOO
DAPAT hangga`t maaga ay magsalita o magbigay ng kanilang pahayag sina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil kapag napatunayan na may hindi maganda o nagsinungaling ang dalawa ay tapos na ang kanilang showbiz career.
Kung talagang nagmamahalan sila o nagkahulugan ng loob ay sabihin ang totoo. Hindi ‘yung kung ano-ano pa ang mababasang nega sa kanila na lalong ikaiinis ng masa.