Julianna Torres Gomez, UP cum laude

Sobrang proud si Richard Gomez na ga-graduate na sa college ang kanyang nag-iisang anak na si Julianna Torres Gomez — at hindi lang basta magtatapos — cum laude baga!

Maganda na, mabait pa, at matalino. Idagdag pang mahusay na atleta, at syemre, mayaman. Wala na talagang mahihiling pa. Napakaswerte ng makakatuluyan niya sakaling maisipan niyang mag-asawa. Kanino kaya nagmana?

Kamukha ng ama si Julianna. Yung hilig sa sports, syempre kay Goma niya nakuha. Hindi naman mahilig sa sports ang very feminine na si Mayor Lucy Torres.

Malamang, sa kanya namana ni Julianna ang sikap sa pag-aaral. In fact, enrolled na raw ng Masters in Public Administration ang bata sa UP pa rin. Balak yatang sundan ang mga yapak ng kanyang mga magulang. Alam naman nating congressman si Goma at mayor naman si dancing queen Lucy Torres Gomez.

Lahat ng positive genes yata ng mag-asawang Gomez ay namana ng kanilang anak. Ganoon yata talaga kapag ang bata ay conceived in love and reared in love. Yung husay kaya sa showbiz, namana rin ni Julianna?

Heto at nililigawan yata si Julianna ni Willie Revillame na maging isa sa kanyang mga win-girls co-hosts. Kaso, wala pa raw reply si Julianna. Tinawagan pa raw ni Willie si Goma tungkol dito, pero sabi raw ni congressman, hindi sila nakikialam ni Lucy sa decisions ng kanilang anak. May tiwala raw sila sa decision-making ni Julianna.

Sakaling makumbinsi ni Kuya Wil si Julianna na maging co-host nya, sarili niyang desisyon ito. Sabi naman ni Willie, hindi pa raw siya itini-turn down ni Julianna kaya may pag-asa pa. E di abangan! RLVN