JULIE ANNE AT BENJAMIN NAGKAKALABUAN NA

Julie Anne and Benjamin

HINDI matigil ang mga espekulasyon na hiwalay na ang showbiz couple na sina Julie Anne San Jose atThe point Benjamin Alves.

Sa kanya kasing social media account, maraming netizens ang nakapansin sa kakaibang hugot ng singing sweetheart na si Julie Anne na may kinalaman sa kanyang lovelife.

Nag-post kasi ang singer-actress ng kanyang IG ng caption na “Thank u, Next” na title song ng isang sikat na pop star na tungkol sa break up at moving on.

Marami ang nag-react sa kanyang post pero hindi siya nagpaliwanag ukol dito.

Dagdag pa rito, sporting a new haircut din si Julie dahil nagpaputol ito ng mahabang buhok.  Dahil dito, lalong tumitibay ang paniniwala ng mga kibitzers na hiwalay na nga ang magdyowa.

Wala namang marinig na komento kay Benjamin sa ngayon ay nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng ama.

Huling nagkasama ang dalawa sa GMA7 tele­seryeng “Pinulot Ka Lang sa Lupa”.

ENZO NALULUNGKOT SA NANGYARI KAY DIEGO

diego LoyzagaSOBRANG nalungkot si Enzo Pineda nang malaman niya ang balitang nagtangkang mag-suicide ang kanyang kaibigang si Diego Loyzaga na nakasama niya sa isang teleserye.

Hindi naman niya ikinaila na bilang isang kaibigan, nag-reach out siya rito bilang pakikisampatiya. Payo pa niya sa kaibigan at sa mga dumadaan sa ganoong pagsubok, malaki raw ang magagawa na magpaka-busy at ibaon ng mga ito ang kanilang sarili sa trabaho dahil paraan daw ito para ma-distract sila sa kanilang pinagdadaanan.

Importante rin daw na maging positibo ang pananaw at magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Dasal pa niya na tuluyan nang malampasan ni Diego ang mga pinagdadaanan sa buhay.

Hirit pa niya, siya rin daw ay dumaan sa matin­ding depresyon pero nalagpasan niya ito.

“I had a quarter life crisis then. Lahat naman ng tao, dumadaan sa challenges at pagsubok sa buhay,” sey niya.

Gayunpaman, hindi raw naman siya dumating sa puntong nagtangka siyang mag-suicide.

Malaki raw bagay ang support system ng kanyang pamilya at mga kaibigan para hindi siya matalo ng kadiliman.

“I think, I feel blessed to be surrounded by my supportive family and friends,” aniya. “So far, kinaya at kaya ko naman siya,” dugtong niya.

Hindi pa rin daw siya dumarating sa pagkakataong nakipagkita  sa isang psychiatrist para isangguni ang kanyang problema.

Kung sakali raw, wala raw naman siyang nakikitang masama sa pagkonsulta sa isang psychiatrist para pag-usapan ang mental at emotional problems ng isang tao dahil hindi daw naman ito big deal at ginagawa rin daw ito kahit ng mga kilalang Hollywood actors.

Hindi rin niya ikinaila na nag-reach out siya sa kaibigan nang malaman nito ang sinapit ng actor.

Payo pa niya, malaki ang nagagawa na magpaka-busy at ibaon ng isang tao ang kanyang sarili sa trabaho para makalimutan niya ang anumang pagtatangka at maharap nang tama ang kanyang mga problema.

Importante rin daw na maging positibo ang pananaw at magpasalamat sa mga biya­yang natatanggap.

Dasal pa niya na tuluyan nang malampasan ni Diego ang mga pinagdadaanan sa buhay.

Si Enzo ang leading man ni Beauty Gonzalez sa horror film na may tentative title na Hipnotismo (Ang Sumpa ni Loretta) na ididirehe ni Joey Romero.