MASAYA ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose dahil nasa top spot ang bago niyang single na “Tayong Dalawa” sa Itunes Philippines.
May album na rin siya kung saan nakapaloob ang naturang carrier single kasama ang iba pang komposisyon na “Nothing Left” at ang sarili niyang bersiyon ng Parokya ni Edgar classic na “Your Song” (My One and Only).
May duet din siya kay Fern, ang promising at bagong contract artist ng Universal Records. Siya rin ang composer ng ilang sa mga kantang nakapaloob sa kanyang bagong album.
Hirit pa niya, iba raw ang bago niyang komposisyon sa mga nagawa na niya.
“Actually walang masyadong pagkakaiba except the arrangement. Ibang-iba po ang mga elements niya. Iyong form ko kasi dati puro pop and ballad. Dito, medyo RNB siya, contemporary. It’s also a new genre na tina-try ko pa,” sey niya.
Malungkot ang kuwento ng kanyang komposisyon at aniya’y maraming hugot.
“Hindi naman siya applicable for me sa ngayon, kasi masaya naman ako,” aniya. “The song is about a long distance relationship. The thought of being away from your loved one,” dugtong pa niya.
Kahit natagpuan na niya ang kanyang inspirasyon, ayaw rin daw niyang mag-set ng pamantayan sa kanyang boyfriend.
“I don’t want to set an ideal sa lalake kasi kapag nag-fall tayo o na-in love ang isang tao, hindi naman natin kailangang sabihing ganito siya o ganoon, because that means you want to change that person and that’s not good. Kumbaga, tinanggap mo siya kung ano at sino siya,” esplika niya.
Kahit papaano, naging inspirasyon din daw niya ang kanyang boyfriend na si Benjamin Alves sa kanyang composition.
“Probably, The first half of the chorus, maybe. It’s about hoping, dreaming and wishing na kayong dalawa pa rin… na magkahawak kayo ng kamay sa isang panaginip and to be with that person,” makahulugan niyang pahayag.
Nagustuhan din daw ng Kapuso actor ang kanyang komposisyon.
“When I actually wrote that song, I got compliments. I guess, sabi niya, it was good,” deklara niya.
Para kay Julie Anne, may pinipili rin daw na tamang panahon ang paglikha ng mga awitin.
“For me, madaling magsulat ng kanta kapag nasa peak ka ng emotions mo, whether you’re sad or super happy or super angry, nailalabas mo lahat,” hirit niya.
Pagwawakas pa niya, malaki rin daw ang nagagawa ng gut feel niya pagdating sa pagko-compose.
“’Pag narinig ko na ang final output, kompleto na with the melody, perfect lyrics, perfect arrangement iyon talaga ang pinaka-importanteng mga bagay para magkaroon ka ng song at doon pumapasok ang fulfillment,” pagtatapos niya.
Happy rin si Julie Anne dahil maganda ang feedbacks at patuloy na pumapalo sa ratings ang kanyang Kapuso teleseryeng “My Guitar Princess” kung saan kasama niya sina Kiko Estrada at Gil Cuerva. /PILIPINO Mirror
Comments are closed.