UNTI-unti na namang nagiging in ang mga sexy pictorial sa mga men’s magazine, and mostly mga online magazine. Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Rhian Ramos sa kanyang sexy pictorial sa isang bath tub ng October edi-tion ng FHM magazine.
Isa rin sa naging trending ay ang pagpo-pose ni Rita Daniella ng sexy sa isang magazine na kahit pa sabihin medyo may pagka-chubby ang dating ay walang takot naman si Rita na nag-pose at lumabas itong kaaya-aya, and take note, walang filter o photoshop ng kanyang katawan. Si Rita ay kapanabayan ni Julie Anne San Jose sa singing competition for kids noon sa GMANewsTV, ang “Popstar Kids”, at ang tunay na pangalan ni Rita Daniela ang kanyang gamit-gamit, Rita Iringan, kung saan siya mismo ang naging grand winner and runner up lang si Julie Anne.
Sa tsikang ‘di pakakabog si Julie Anne kay Rita pagdating sa sexy pictorials na una nang sinabakan ni Rita, ani ni Julie Anne, matagal na rin naman daw na may ‘umaawit’ sa kanya na mag-pictorial ng sexy sa isang men’s magazine pero hindi naman daw niya ito binibigyan ng atensiyon noon. Mas focus noon si Julie Anne sa kanyang singing career at mga nagkasunod-sunod na con-cert at album launch.
Sa ngayon ay ganu’n pa rin ang stand ni Julie Anne, ayaw na muna niyang isipin ang sexy pictorial for magazine pero may mga time naman din daw na nagpo-post si Julie Anne sa kanyang social media account ng naka-two piece bikini. At hindi rin diumano sinasarado ni Julie Anne ang kaisipan sa pagsabak sa sexy pictorials.
KEN CHAN INANGKIN LAHAT NG BABAE SA GINAGAWANG TELESERYE
ISA sa nagiging libangan ngayon ng young Kapuso actor ay ang trending na challenge na ‘pag tumingin ka, akin ka’. Sa tuwinang break sa taping ng teleserye niyang “Special Tatay” ay nagse-selfie si Ken at kasama niya ang ilang mga actress sa naturang teleserye.
Isa sa nahuling tumingin kay Ken sa selfie ay si Rita Daniella. Maging si Arra San Agustin ay naging ‘biktima’ rin ni Ken. Pero ang pinakamalupit sa lahat pati na ang ‘nanay’ niya sa “Special Tatay” na si Lilet ay hindi pinalagpas ni Ken, ‘nahuli’ niya rin itong tumingin sa kanya habang simpleng sumi-selfie si Ken.
RODJUN GUSTONG MAKASAMA SI RAYVER SA ACTING PROJECT
ESPESYAL ang naging muling pagpirma ni Rodjun Cruz ng kontrata sa GMA Network dahil this time, kasama na niya ang kanyang kapatid na si Rayver bilang isang Kapuso.
Aniya, thankful siya sa GMA sa opportunities na patuloy na ibinibigay sa kanilang magkapatid. Kaya naman mas excited siya sa mga proyektong nakalinya para sa kanila. Bukod dito, isa pang nilu-look for-ward ni Rodjun ay ang makasama ang kapatid sa isang acting project bukod sa sayawan at kantahan. Hindi imposibleng mangyari ito kaya naman dapat natin itong tutukan sa GMA!
Comments are closed.