Kahit 28 taon nang nagtatrabaho si news anchor Julius Babao sa ABS-CBN, nagdesisyon pa rin siyang umalis sa Kapamilya Networtk. Inanunsiyo niya ito noong December 31. Pagtatapos ng taon, pagtatapos din ng pagiging Kapamilya ni Julius.
Gayunman, hindi raw ito pagpapaalam kundi isang pahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga naging Kapamilya niya sa loob ng 28 taon.
Ani Babao, malaki ang naitulong ng ABS-CBN para lumago ang kanyang career. Dahil din umano sa ABS-CBN, nakatulong siya sa mga Filipinos, at napangasawa pa niya ang magandang si Christine Bersola-Babao.
Hindi pa malinaw kung saang network lilipat si Julius. – KAYE NEBRE MARTIN