POSIBLENG maitala ang inflation rate sa Hulyo sa 2.2 hanggang 3 percent, ayon sa Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa statement ng BSP, ang pagtaas ng inflation ay maaaring bunga ng mas mataas na domestic petroleum prices at ng presyo ng bigas.
“Increases were partly offset by slightly lower electricity rates,” ayon sa central bank.
“Going forward, the BSP will continue to monitor economic and financial developments to ensure that monetary policy settings remain consistent with the objective of price stability conducive to a balanced and sustained growth of the economy,” nakasaad sa statement.
Ang consumer price index ay tumaas sa 2.5 percent noong Hunyo.
Naunang sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na ang inflation ang pinakamaliit sa kanilang mga alalahanin dahil nakahanda itong gumamit ng ‘full range’ ng monetary tools upang suportahan ang ekonomiya.
Ibinaba ng BSP ang key interest rate na ginagamit ng mga bangko sa price loans, sa record low na 2.25 percent.
Comments are closed.