JUNE 17, IDINEKLARANG HOLIDAY

WALANG pasok sa trabaho, pampubliko man o pampribado sa Hunyo 17.

Ito ay makaraang iproklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na regular holiday ang nasabing petsa para sa pag-obserba sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang deklarasyon ay sa ilalim ng Proclamation Number 579 na may petsang Hunyo 4,2024 na inilabas ng Malacanang kung saan ay nakasaad na ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang nahalagang kapistahan ng Islam.

Nakasaad sa proklamasyon na ang deklarasyon ay base na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Filipinos na base sa 1445 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Ang holiday ay ipatutupad sa buong bansa. EVELYN QUIROZ