JUNE 24 SPECIAL NON WORKING DAY SA MAYNILA

IDINEKLARA ng Malakanyang na special non-working day ang June 24 sa lungsod ng Maynila.

Ito ay para sa selebrasyon ng 451st founding anniversary ng lungsod.

Base sa Proclamation Number 1400 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, marapat lamang na bigyan ng pagkakataon ang mga taga-Maynila na maipagdiwang ang naturang okasyon.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies, subject to the public health measures of the national government,” saad ng proklamasyon.

Ang proklamasyon na nilagdaan ni Medialdea ay may petsang Hunyo 22,2022. EVELYN QUIROZ