JUNIOR BLU GIRLS BIGO SA CHINA

SUMANDAL ang China sa game-clinching homerun ni Xie Jia Xin sa seventh inning upang pataubin ang host Philippines, 1-0, sa opening game ng seventh Asian Junior Women Softball sa Clark diamond sa Pampanga.

Sa bilang nag two outs at strikes, dinala ni Xie ang pangatlong pitch ni Royevel Palma lagpas sa bakod at ibinigay ang panalo sa China habang binigo ang Junior Blu Girls na kunin ang unang panalo sa harap ng home crowd na nag-cheer sa kanila sa buong pitong innings.

Dalawang beses na-strikeout ni Palma si Xie at nabigo sa ikatlong pagkakataon kung saan pinaluan siya ng solidong over the fence homerun sa cen-terfield upang igiya ang China sa panalo.

“Palma tagged her twice and failed to get her for the third time. Maybe the game was not meant for us,” sabi ni coach Isaac Bacarisas.

“I saw the ball coming and I hit it solidly,” pahayag ni Xie na naglaro rin noong nakaraan taon sa torneo na idinaos sa kanyang bansa kung saan puman-galawa ang China sa Chinese-Taipei.

Sa iba pang laro, ginapi ng defending champion Chinese-Taipei ang Korea, 7-0; pinayuko ng Japan ang Malaysia, 10-0; at pinaluhod ng Thailand ang India, 8-0.

Sa kanyang maikli subalit makahulugang talumpati, nagpasalamat si Asaphil president John Henri Lhuiilller sa mga kalahok sa torneo na ginanap sa bansa sa unang pagkakataon.

“I warmly and pleasantly welcome you all in this tournament. I dare all the participants to showcase their innate skills and play under the spirit of sportsmanship. May the best team win,” sabi ni Lhuillier.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.