JUNIOR MPBL SEASON 1 PINARANGALAN ANG OUTSTANDING ACHIEVERS

TINAPOS ng Junior Maharlika Pilipinas  Basketball League (Junior MPBL) ang 2023 sa pamamagitan ng year-end awarding ceremony, kung saan kinilala nito ang exceptional talents at  sportsmanship ng young basketball players.

Ang event ay ginanap sa Amoranto Coliseum bilang pagpapakita sa  commitment ng liga sa pagsusulong ng  excellence at  teamwork sa hanay ng  emerging young basketball athletes sa kanayunan.

Tampok sa event ang pag-aanunsiyo ng championship showdown para sa 12 nalalabing koponan sa  14U, 16U at  18U categories  na sasabak para sa Season 1 Finals, at ang awarding ceremony na nagbigay-parangal sa outstanding individual achievers.

Ang mga parangal ay kinabibilangan ng MP Choice Award, Season Most Valuable Player (MVP), Mythical 1st Team for 14 Under, 16 Under and 18 Under, Sportmanship Award 14 Under, 16 Under and 18 Under,  Homegrown Player of the Year 14 Under, 16 Under and 18 Under, Defensive Player of the year  14 Under, 16 Under and 18 Under, Coach of the year 14 Under, 16 Under and 18 Under,  Owner of the Year, Team of the Year, Team Manager of the Year and the Most Viewed Player on Social Media Award.

Tatlong full scholarship awards sa 18U category ang ipinagkaloob kina Gambrinus Gimpaya , Earl John Quaterno mula sa Team Batang Maynila at  Chanzey Billips Garcia mula sa Junior MPBL Leyte.

Ang Junior MPBL ay nakipagtulungan sa University of Makati para bigyan ang mga  scholar ng libreng  dorm accommodation, allowance at iba pang school miscellaneous fees.

Ang Junior MPBL awarding ceremony  ay dinaluhan ng  fans, families, at  basketball enthusiasts  upang saksihan ang excitement ng  playoffs series ng 12  teams  na nalalabi sa 14 under, 16 under at 18 under para sa  National Championship.