JURY AWARD FOR EXCELLENCE IN  PRINT AND DEVELOPMENT COMMUNICATION, IGINAWAD SA PILIPINO MIRROR

JURY AWARD

Personal na iginawad nina Dr. Jaime Gutierrez-Ang,

(ikasiyam sa kaliwa) Chairman and President

Emeritus, Dr. Debbie F. Dianco

President, Ms. Rachel Velasco

Board Member, at Ms. Paraluman R.

Pajanustan, Board Secretary ng Ang Lupon ng Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw o Gawad TANGLAW ang pinakamataas na parangal na Jury Award for Excellence in PRINT and DEVELOPMENT COMMUNICATION sa PILIPINO Mirror sa ginanap na ika-18 parangal para sa taong 2020. Kabilang din sa pinarangalan sa ikalawang sunod na pagkakataon si Mr. Ed Cordevilla (ikatlo sa kanan) para sa kaniyang kolum na MASALAMIN sa naturang pahayagan.

Tinanggap ni D. Edgard A. Cabangon, (ikalima sa kanan) ALC Media Group Chairman and  PILIPINO Mirror president, ang parangal, kasama si Reynaldo Briones, (ikaapat sa kanan) executive publisher and editor in chief. Nasa larawan din sina (mula kaliwa) Cris Galit, Advertising Manager; Mariz Paculanan, auditor; Jocelyn Eurolfan,  HR and Admin officer; Susan Cambri, Managing Editor; Jocelyn Siddayao, General Manager; Marvin Estigoy, Mancom officer (kanan) at Dante Castro (Circulation Manager).

MANCOM

Dalawang beses nang ginawaran ang PILIPINO Mirror bilang “Natatanging Pahayagan” sa magkasunod na taon noong 2018 at 2019 (16th at 17th Gawad TANGLAW Awards).

Iniaalay naman ng PILIPINO Mirror ang parangal na ito sa lahat ng mambabasa, taga-suporta, partners at advertisers nito.

5 thoughts on “JURY AWARD FOR EXCELLENCE IN  PRINT AND DEVELOPMENT COMMUNICATION, IGINAWAD SA PILIPINO MIRROR”

  1. 748260 921675I discovered your blog web site on google and examine numerous of your early posts. Continue to preserve up the superb operate. I basically extra up your RSS feed to my MSN News Reader. In search of forward to reading a lot more from you later on! 420278

Comments are closed.