INIREKOMENDA ni retired Associate Justice Arturo Brion sa Judicial Bar Council (JBC) si Associate Justice Teresita De Castro na maging kapalit ni Ombudsman Conchita Morales, na nakatakda nang magtapos ang pitong taong termino sa Hulyo.
Sa kanyang ipinadalang liham sa JBC noong Miyerkoles, sinabi ni Brion na karapat-dapat si De Castro sa naturang posisyon.
“Through all these years, she has served the government with competence, probity and integrity,” nakasaad sa dalawang pahinang liham ni Brion.
“Her long years in the prosecutorial service (almost 19 years) and in the Sandiganbayan (more than 10 years), not to mention her more than a decade of experience as an associate justice of the Supreme Court qualify her for the position of Ombudsman,” dagdag pa ni Brion.
Nabatid na isa si De Castro, na nakatakdang magretiro sa Oktubre, sa tumestigo sa isinagawang impeachment hearings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Gayunman, hindi pa tinatanggap ni De Castro ang nominasyon na kinakailangan para maikonsidera siya sa puwesto.
Si De Castro ay isang alumna sa University of the Philippines, at miyembro ng College of Law honor society.
Nagsimula ang kanyang career sa public service bilang law clerk sa high court’s office ng Clerk of Court noong 1973.
Nagsilbi rin siya sa Department of Justice mula 1975-1997 bago pumasok sa hudikatura bilang Sandiganbayan associate justice at presiding justice.
Naitalaga naman si De Castro sa Supreme Court noong 2007.
Nakatanggap na rin si De Castro ng awards kabilang na ang Chief Justice Hilario Davide Reform Award para sa kanyang trabaho sa Sandiganbayan, at Presidential Medal of Merit nang magsilbi siyang peace negotiator sa termino ni dating Pangulong Corazon Aquino at dating Presidente Fidel Ramos. Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.