JUSTICE SYSTEM PALAKASIN KAYSA SA DEATH PENALTY

JUSTICE SYSTEM

NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na dapat na palakasin ang justice system sa bansa sa halip na isulong ang death penalty.

Nangangamba si Villanueva na posibleng maraming inosente ang mabibitay kung hindi maiaayos ang justice system sa bansa.

Ayon kay Villanueva, sa kasalukuyan mara­ming nakukulong ng walang kasalanan dahil walang dekalidad na abogado na magtatanggol sa kanila kung kaya’t nahahantong sa pagkakakulong.

Sa panig naman ni Senador Richard Gordon,  sinabi nito na kahit ipatupad ang parusang kamata­yan hindi pa rin mareresolba ang illegal drugs hangga’t hindi naiaayos ang justice system sa bansa.

Naniniwala si Gordon na hindi death penalty ang sagot para masawata  ang problema sa droga.

Nangangamba ang senador na kapag nagkamali sa death penalty hindi na maibabalik ang buhay ng inosenteng mahahatulan.

Samantala,  iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na mapabibilis ang pagpasa sa pagbuhay ng panukalang death penalty kung nakatuon ito laban sa high-level drug traffickers.

Siniguro ni Sotto na agad na susuportahan ng mga senador ang death penalty kapag ang mga high-level drug trafficker ang parurusahan.

Sa ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay muling ipinasusulong sa Kongreso ang parusang kamatayan para sa mga krimeng may kinalaman sa illegal drugs, heinous crimes at plunder.

Naniniwala si Sotto na kapag ipinilit na isama sa muling pagbuhay ng death penalty ang heinous crimes at plunder ay tiyak na tatagal ito sa komite at matinding debatehan ang mangyayari sa plenary.

“So far, many senators support the idea of reimposing death penalty for high-level drug traffickers. This measure is expected to hurdle a lot of debates but I strongly believe that it can be passed during the 18th Congress.” diin ni Sotto. VICKY CERVALES

Comments are closed.