IDINEKLARANG constitutional ng Korte Suprema ang K-12 program ng gobyerno o ang Enhanced Basic Education Act of 2013- Republic Act 10533.
Sa ilalim ng K-12 program, nadagdagan ang bilang ng taon ng basic education matapos isama rito ang kindergarten.
Anim taon ang elementary education at anim na taon ang secondary education habang apat na taon ang junior high school habang dalawang taon ang senior high school.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Aldredo Benjamin Caguioa, idineklara ring legal ng Korte Suprema ang Republic Act 10157 o ang Kindergarten Education Act na nagsama sa kindergarten bilang bahagi ng basic education at mandatory requirement para makapag-Grade 1.
Ibinasura ng Korte Suprema ang lahat ng petisyon kontra sa K-12 program dahil sa kabiguang patunayan na ang dalawang batas ay lumabag sa 1987 Constitution at ginawa ang mga ito ng may grave abuse of discretion.
“For having failed to show any of the above in the passage of the assailed law and the department issuances, the petitioners’ remedy thus lies not with the Court, but with the executive and legislative branches of the government.”
Comments are closed.