K-12 GRADS WALA PANG TRABAHO

MINOMONITOR ng Department of Education (DepEd) kung ilan sa 1.3 milyong senior high school graduates ng school year 2017-2018 ang may trabaho na.

Sinabi ni  Education Undersecretary Tonisito Umali na nasa proseso pa ang monitoring ng kagawaran para sa 1,252,357 Grade 12 graduates.

Gayunman, maganda umano ang naging implementasyon ng K-12 program na ang unang batch dito ay nagtapos nitong Marso lamang.

Base sa kanilang assessment, nagkaroon ng mas maraming opsiyon ang mga mag-aaral sa high school.

Samantala, nanga­ngamba ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na hindi pa handang magtrabaho ang first batch ng K-12 graduates.

Ayon sa PCCI, hindi sapat ang 80 oras o dalawang linggong work immersion ng mga mag-aaral upang ihanda sila sa  skilled jobs.

Inihayag ni PCCI HR Dev’t Foundation President Alberto Fenix na hindi sapat ang panahong iyon upang matuto ang mga estudyante.

Bukod dito, kaila­ngan pang pagandahin ang kasalukuyang education system ng bansa para makaagapay sa ating pa­ngangailangan.

Ikokonsidera naman ng DepEd ang sinabi ng PCCI ngunit hindi pa sila handang baguhin ang kasalukuyang curriculum.

Katwiran naman ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali, hindi work immersion ang tinututukan ng K-12 curriculum kundi ang kaalaman sa ba-gong sistema sa tulong ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education (CHED).   NENET L. VILLAFANIA

 

 

Comments are closed.