K-12 PROGRAM ALISIN NA, SINISI NG SOLON SA PANGUNGULELAT NG PH GRADE 4 STUDENTS SA MATH, SCIENCE

France Castro

ANG itinuturing na ‘congested K to 12’ curriculum ang dahilan kung kaya mababa ang resultang nakuha ng Filipino Grade 4 students sa nakaraang international assessment sa Math at Science proficiency, ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro

Ginawa ni Castro ang pahayag kasabay ng mahigpit niyang pagkastigo sa Department of Education (DepEd) sa naging paninisi ng ahensiya sa umano’y kahinaan, hindi pagpupursige at maling pamamaraan ng pagtuturo ng public school teachers kung kaya apektado umano ang kayayahan ng mga mag‐aaral na matuto.

“DepEd’s incompetence immensely impacts teachers and students’ performance. The poor performance of Filipino students in Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019 marks the failure of DepEd’s K to 12 program,” ang mariin na tugon ng House deputy minority leader sa pahayag ng kagawaran.

“Among the outputs of DepEd’s incompetence and haphazard implementation of so-called education reform is the curriculum congestion, which compromises adequate teaching time and students’ deeper understanding. This is worsening under the case of blended learning scheme,” sabi pa niya.

Ayon sa progresibong partylist solon, ang lumabas na resulta ng TIMSS 2019 at Programme for International Student Assessment (PISA) 2018 ay nagpapatunay lamang na hindi napabuti ng K to 12 ang kalidad ng basic education sa bansa.

Ang ‘K to 12 curriculum’ na isa umanong ‘framework of spiral progression in teaching Mathematics in Science’ na matatandaang ipinagpilitang maipatupad sa panahon ng Aquino administration, ay hindi umano epektibo, base na rin sa mga naunang karanasan at pag-aaral.

“The Secondary Education Development Program (SEDP) implemented in 1989 was evaluated as a curriculum failure because it was found that the curriculum itself is overcrowded by putting together too many competencies and topics. This is also the reason why the curriculum was changed to Basic Education Curriculum (BEC) in 2003,” sabi ng lady solon.

“K to 12 curriculum implements the ‘chopsuey method’ where teachers are forced to teach a little of everything is ineffective in attaining a mastery of skills in Math and Science. Dahil kalat-kalat ang pamamaraan ng pagtuturo, kada taon ay kinakailangang magsimula muli sa review ng bawat lesson bago makapagpatuloy sa aktwal na ituturo, na lumala pa lalo ngayon sa sitwasyon ng blended learning,” pagbibigay-diin pa niya.

Samantala, ipinagtanggol ni Castro ang ‘overworked’ subalit sa kasamaang-palad ay hindi lubos na nasusuportahan ng DepEd na mga public school teacher sa ‘poor performances’ na ito ng Grade 4 students sa nabanggit na international tests.

“Pasan-pasan na nga ng mga guro ang bigat na dulot ng distance learning, nasa guro na naman ang sisi sa mababang assessment samantalang hindi man lang nakita ng DepEd ang pagkukulang nila,” tigas na pahayag niya.   ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.