K-12 PROGRAM REBYUHIN

France Castro

DAPAT  lamang na pag-aralan kung naging epektibo ang implementasyon ng K-12 program.

Ito ang naging reaksiyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kaugnay ng hakbang ng Kamara na i-review ang pagpapatupad ng nasabing programa.

Aniya, mayroon kasing mga paaralan na hindi kuwalipikado na mag-offer ng Senior High School program dahil sa kakulangan nito ng guro, trained personnels at equipment.

Gayunman, sinabi naman ni Castro na hindi naman tatanggalin o ipahihinto ang implementasyon ng K-12 program kundi aayusin lamang ang aniya’y missing links ng nasabing programa.

“Puwede siguro s’yang tanggalin pero binibigyan siya ng alternatibo, hindi naman dapat totally tanggalin, actually kung ma-fulfill lang ‘yung requirement talaga dito sa pag-iimplement dito sa K-12. So, maganda sana tapos ipe-prepare natin ‘yung mga estudyante natin for work, naka-coordinate siya sa CHED, naka-coordinate siya sa business. ‘Yun ‘yung mga missing link, eto ‘yung gap na hindi masolusyunan,” ani Castro.

Kaugnay nito, kumbinsido rin si Castro na may pagkukulang ang mga ahensiya ng gobyerno kaya’t hindi naging epektibo ang K-12 program. DWIZ882

Comments are closed.