K-9 TRAINING ACADEMY ITINAYO

PAMPANGA- UPANG sumulong ang kapabilidad ng 100 K-9 at mga handler nito, itinatayo ngayon sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga ang K-9 Training Academy.

Isinagawa ang ground breaking ceremony para sa itinatayong PCG-PPA K-9 Training Academy in Southeast Asia noong Agosto 25 na pinangunahan nina Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago Transportation Secretary Arthur Tugade at Philippine Coast Guard) Commandant Admiral George Ursabia Jr.

Inasahan na unang sasalang sa pagsasanay ang 100 canine o K-9 at kanilang mga handler, ayon sa Philippine Coast Guard.

“It is capable of providing all the quality training phases, techniques, and best practices for the skills and aptitude enhancement of dogs, as well as the certification, evaluation, and development of research doctrines,” nakasaad sa official Facebook page ng PCG.

Ang akademya ay naglalayong magsagawa ng pananaliksik sa WD pedigrees, procurement, breeding, veterinary care at maintenance of resources.

Sa loob ng akademya ay magkakaroon ng limang organisasyon at ang mga ito ay Canine Development Center, Canine School, Canine Breeding Center, Canine Hospital, at Kennel Management and Biosecurity.

Sa groundbreaking ceremony, inihayag ni Tugade na bukas sa lahat ng sangay ng pamahalaan ang akademya.

“Hindi lang ililimit ‘yung mga ma-train na K-9 sa pangangailangan ng PCG, ito ay iaalok at ipapagamit ko rin sa iba pang kagawaran, departamento, at ahensiya ng gobyerno,” dagdag pa ni Tugade.

5 thoughts on “K-9 TRAINING ACADEMY ITINAYO”

Comments are closed.