K+10+2 NA IPAPALIT SA K-12 APRUB SA KAMARA

INAPRUBAHAN ng House Committee on Basic Education and Culture ang isang unnumbered substitute bill sa House Bill 7983 na naglalayong pahihintulutan na ang mga mag -aaral na nakapagtapos ng Junior High o Grade 10 na maaari nang mamili sa dalawang educational pathways kung saan maaari na nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa Department of Education (DepEd) o sa Technical-Vocational Program sa ilalim ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA).

Pinalitan ng House of Representatives Committee on Basic Education and Culture chaired ni Pasig City Rep. Roman Romulo ng substitute bill ang panukalang batas na House Bill 7893 na inihain ni Pampanga 2nd District at dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naglalayon na palitan ang kasalukuyang umiiral na K-12 na programa sa education ng K+10+2 program.

Sa ilalim ng substitute bill na tinaguriang “Education Pathways Act” na inaprubahan ng komite, ang mga mag -aaral na nakakumpleto ng Grade 10 o 4th year high school ay may dalawang education pathways. Maaari na silang dumiretso na sa technical vocational courses pagkatapos ng Grade 10 sa pamamagitan ng VocTech, subalit ang mga Grade 10 na ibig pumasok sa kolehiyo ay nangangailangan pa ring makumpleto ang mandatory na Grade 11 at 12 sa basic education.

Sa umiiral na K-12 program ng basic education sa DepEd, lahat ng high school na mag-aaral ay kailangan munang magkumpleto ng mandatory Grade 11 at 12 bago mapahintulutan kung ipagpapatuloy ang pag aaral sa Tesda o kolehiyo, o makapagtrabaho.

Sa naaprubahang bagong measure, obligado ang DepEd na muling magsagawa at magpatupad ng panibagong comprehensive curriculum para sa Grades 11 and 12 na makapaghahanda sa pagpapatuloy nila sa kolehiyo kung hindi sila papasok sa TESDA.

Sa explanatory note ng pinalitang panukalang batas ni Arroyo na HB 7983 binanggit nito ang isang pag-aaral na lumabas ng Disyembre 2020 ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) kung saan nakasaad na isa sa bawat limang nakapagtapos ng senior high school ang nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral at pinipiling makapagtrabaho na.

“Unfortunately, the reality of the market seems to be that the private sector continues to prefer hiring college or university graduates over those who finish the K-to-12 program,” ang nakasaad sa HB 7983.

Samantala, inilarawan ni Elvin Ivan Uy, Executive Director ng Philippine Business for Social Progress sa kanyang post sa Linked in ng Hunyo 12,2023 na may titulong “The Folly and Dangers of K+10+2”na isa umano itong napakadelikadong hakbang o “a terrible and dangerous public and education policy idea,” kung ipapatupad ang panukalang K+10+2 program.
“Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo filed House Bill No. 7893 in April, the “K+10+2” proposal to fundamentally change the country’s secondary or high school (HS) education system.

In her proposal that the House is currently deliberating, HS will revert to four years and the additional two years or “+2” will only be for learners who wish to proceed to college. This +2 is “post-secondary pre-university”. Everyone else will complete HS in four years and may join the workforce at age 16,”ang sabi ni Uy.

“Given our young populace, we are poised to reap the demographic dividend — as our population ages with declining birthrates, there will be more Filipinos who are productive and working vs. those who require care (i.e. the very young and elderly). This was the same demographic and development journey that other tiger economies such as Malaysia, South Korea, Thailand, and Vietnam have gone through or are still going through,”ang sinabi ni Uy.

Samantala, sa naturang hearing ng komite, inaprubahan din nila ang consolidation ng House Bill 8508 at 8550 at House Resolution 940 na maging isang House Resolution na nagpapahayag ng pagnanais na maibalik sa buwan ng Hunyo ang pagsisimula ng school year sa mga paaralan at ibalik sa Marso ang pagtatapos nito. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia