K9 BARRACKS PINASINAYAAN

PINASINAYAAN ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang bagong rehabilitated K9 barracks sa loob ng warehouse 169 sa South Harbor sa Port Area Manila bilang tirahan ng K9 sniffing dog.

Ayon sa nakalap na impormasyon, naisakatuparan ang naturang proyekto sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC) at sa mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Napag-alaman na bukod sa 12 K9 Sniffing dog kasama rin titira sa naturang barracks ang mag-aalaga o handler ng mga aso, sasakyan at iba pang kagamitan na kakailanganin sa operasyon.

Ang 12 anti-narcotic K9 sniffing dog ang siyang ide-deploy sa Port of Manila at Manila International Container Port (MICP) na magsisilbing bantay sa dalawang port upang masawata ang pagpasok ng illegal drugs. FROILAN MORALLOS

One thought on “K9 BARRACKS PINASINAYAAN”

Comments are closed.