K9 UNITS NAGRORONDA SA GENSAN AIRPORT

K9 Units

UPANG masawata ang pagpuslit ng droga, walong K9 o drug sniffing dongs ang nagroronda sa paliparan ng General Santos City.

Ayon kay Kat Abad, spokesperson ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 12), na layon sa paglalagay ng walong K9 narcotic dogs ay para mapigilan ang pagpasok at paglabas ng droga sa nasabing paliparan.

Dagdag pa nito, ka­yang i-detect ng nasabing K9 units ang mga bagahe na may lamang droga na nakalulusot sa X-ray machine.

Sa pamamagitan ng K9 units ay kayang langhapin sa loob ng mga bagahe ang shabu, marijuana, lahat ng party drugs at cocaine.

Dagdag pa nito, na sa buong bansa mahigit sa isang daan nang mga K9 units ang na-deploy sa iba’t ibang airport, seaport para sa interdiction at magamit din sa greyhound operation sa mga selda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang paglagay ng drug sniffing dogs ang magsisilbing paalaala sa mga sindikato ng droga na dadaan sa mga pantalan at airport. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.