SA darating na Star Awards for Music ng Phil. Movie Press Club (PMPC) sa Sept. 9 na isasagawa sa Resorts World Manila ay igagawad kay Ka Freddie ang isang natatanging award sa larangan ng musika at komposisyon. Ang nasabing award ay bilang paggunita sa National Artist for Music na si Mang Levi Celerio. Ang tawag nito ay “Parangal Levi Celerio.”
Si Imelda Papin naman ay pararangalan din sa kategoryang “Pilita Corrales Lifetime Achievement”Award.
Ang hosts ng nasabing annual event ng PMPC, among others, ay sina Kim Chiu at Xian Lim, at ang live performers will include Martin Nievera, Christian Bautista, Morisette, The Company, at ang You Tube Sensation na Ex-Battalion.
Ipinaabot ni Ka Freddie Aguilar ang taos-pusong pagpapasalamat sa samahang PMPC, sabay sambit in all humility and sincerity na sa tulong ng Filipino Artists, Musicians, & Entertainers Society (FAMES) sa pangunguna ni Jograd Dela Torre bilang Founding Chairman at si Lito Camo bilang Presidente kasama si Jojo Lobiano as Board of Trustee ay nabuo ang Friends of Freddie Aguilar.
Staunch advocate ng OPM music ang FAMES kaya suportado rin ito ni Freddie. Kaakibat rito ang “Ang Tunay Na Boses Ng Masa” movement na kamakailan lamang ay matagumpay na inorganisa sa pamumuno ni Atty. Bayan G. Balt, Chairman ng Christians and Muslims for Peace (CAMP), at si Domingo A. Canero, National Pres. ng “Hukbong Federal Ng Kilusang Pagbabago.” Ang FAMES ay nabuo sa tulong din ng isang Tau Gamma alumnus na si Teng Ares sa suporta ni Ana Lou Chua Olivar, presidente ng OWOEP na isang aktibong talent agency.
Suportado rin ito ng iba pang Tau Gamma ng mga taga-showbiz tulad nina Luis Manzano, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at kasama si Jopay na isa sa mga sorority members ng Tau Gamma Sigma Sorority. Ano ang tingin ni Ka Freddie sa mga politician na nasuportahan ‘nya? “For the past 40 years ay tumulong ako sa kandidatura ng karamihang politicians singing my patriotic-oriented songs in the campaign sorties, pero feeling ko nagamit at na-exploit lang ako ‘cuz sa bandang huli ay wala rin namang natutupad sa kanilang mga pangako sa tao,” bulalas ni Ka Freddie Dagdag pa niya: “Pati si Presidenteng Cory Aquino ay tinulungan ko ‘yon, pero bumitaw ako on the second year ng kanyang term ‘cuz I found out wala siyang kasing gahaman pala, kapit-tuko pa rin sa Hacienda Luisita at kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin naman naipamamahagi sa mga kinuukulang mga naghihikahos na mga farmer.”
Sa kasalukuyan, ang pinagkakaabalahan ni Ka Freddie ay ang pagsulong ng Pederalismo. Papaano niya ito maipaliwanag sa masang Pinoy? “Sa Pederalismo halimbawa lang kung ang probinsiya mo ay kumikita ng 100 pesos, ang mapupunta sa probinsiya mo ay 80 pesos, at 20 lang sa central government.
Pero sa sistema natin ngayon ay baliktad at 80 ang napupunta sa central gov’t. at 20 lang sa probinsiya mo. Ang probinsiya mo ang naghihirap tapos ang makikinabang ay iba? ‘Yun ang isa sa mga babaguhin ng Pederalismo,” paliwanag pa ng phenomenal at internationally-acclaimed singer ng imortal na kantang “Anak.”
Itatawid niya ang simulaing ito sa pamamagitan ng pag-awit ng mga patriotic song kasama ang pananalangin na sana hindi maiboto sa darating na eleksyon ng masang Pinoy ang mga tradisyonal at trapong politicians. Ibang usapan na kung tatakbo ba si Ka Freddie para sa isang political position nitong darating na eleksyon sa 2019.
Comments are closed.