ISABELA- ISANG babae ang natagpuan sa gilid ng kalsada na wala ng buhay at may tama ng baril sa ulo sa bypass ng road Luyao ng Luna sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Lyka Mae Asirit, 20-anyos na nagtamo ng tama ng baril sa ulo at residente ng San Isidro, Luna, Isabela.
Ang itinuturong suspek sa pamamril ay ang kinakasama ng biktima na si Louie Desamito, 30-anyos, magsasaka at nakatira rin sa nasabing bayan.
Ayon sa mga residente, bago naganap ang pamamaril ay nag karoon umano ng pagtatalo ang dalawa dahilan upang umalis ang biktima sa kanilang bukid na agad naman sinundan ng suspek gamit ang kanyang motor at pinagbabaril si Asirit ng caliber 45.
Sa imbestigasyon ng Luna-PNP ay selos umano ang dahilan ng kanilang pagtatalo na nauwi sa pamamaril sa kinakasama na tinamaan sa ulo.
Matapos ang krimen ay agad tumakas ang suspek subalit mabilis na umaksyon ang pulisya kung saan ini-radyo kaagad sa Cauayan police station kung kaya’t nadakip ang suspek.
Ayon naman sa Cauayan city crime laboratory, limang basyo ng caliber 45 ang natagpuan sa pinang yarihan ng krimen at ang nasabing baril ay inihagis umano ng suspek sa talahiban. IRENE GONZALES