KA-LIVE IN PINATAY DAHIL SA SELOS

LAGUNA – PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng umano’y bangag na mister ang kanyang kinakasama ng dahil sa selos sa Sitio Huwaran, Bgy. Pagsawitan, bayan ng Sta. Cruz Biyernes ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat ni PLt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Julie Ann Pearl Yatco, 30-anyos at kinakasama nitong suspek na si Bryan Baltazar, 40-anyos, construction worker.

Sa pagsisiyasat ni Pat Angelica Yasoña, may hawak ng kaso,dakong ala-5 ng hapon nang maganap ang insidente habang idinaraos ang kaarawan ng bunsong kapatid ng biktima ng hindi inaasahang mabahiran ito ng dugo.

Sinasabing nag-ugat umano ang matinding pag-aaway ng biktima at suspek ng dahil sa matinding selos.
Hinala umano ng suspek na may iba ng lalaki ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo at pananaksak.

Nagtamo ng ilang tama ng saksak sa kanyang katawan bago pa maisugod sa Laguna Medical Center ng kanyang pamilya kung saan binawian nang buhay makalipas ang mahigit na apat na oras.

Tumakas ng suspek makaraan ang insidente patungo sa bahay ng kanyang dating kinakasama sa Pagsanjan subalit,kusang loob din na sumuko sa pulisya makalipas ang ilang oras.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Cruz PNP Custodial Cell kung saan nahaharap sa paglabag sa kasong Homicide in Relation to RA-9262. DICK GARAY

2 thoughts on “KA-LIVE IN PINATAY DAHIL SA SELOS”

  1. 389631 389694 Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So nice to uncover somebody with some original thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this web site is something that is required on the web, someone with just a little originality. beneficial job for bringing something new towards the internet! 237398

Comments are closed.