NASAWI sa encounter ang kinikilalang lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si George “Ka Oris” Madlos, 71-anyos, at medic nito.
Ayon kay 4th ID commander, Maj. Gen. Romeo Brawner, isang engkuwentro sa bulubunduking bahagi ng Sitio Gabunan, Barangay Dumalaguing Imapasugong, Bukidnon ang naganap kung saan nasa 30 armado ang nakasagupa ng 403rd Brigade na nasa ilalim ng pamumuno ni Brig Gen. Ferdinand Barandon.
Kasama ni Ka Oris ang may 30 NPA fighters National Operations Command (0NOC) ng CPP-NPA Komiteng Mindanao (KOMMID); Regional Operations Command (ROC), HQ NEO, RSDG COMPAQ; at Guerilla Front 89 ng North Central Mindanao Regional Command nang makasagupa ng militar sa loob ng may 30 minuto bago nagkawatak-watak sa pagtakas.
Snabi ni Brawner, si Madlos ang huling NPA leader na siyang nagbibigkis sa mga nalalabing NPA leaders kaya inaasahang ang tuluyang pagbagsak ng kilusan at walang ng ibang paraan kung hindi sumuko.
Sa press conference kahapon, nanawagan si Brawner sa mga kasama ni Ka Oris, lalo na sa misis nito na si Myrna Sularte na magbalik-loob sa pamahalaan upang hindi sapitin ang nangyari kay Madlos at sa medic nito.
Pinuri naman ni AFP Chief of Staff, Gen. Jose Faustino ang mga tauhan ng Army 4th ID sa pagkakaneyutralisa kay Ka Oris na malaking dagok sa Communist Terrorist Group sa Mindanao. VERLIN RUIZ