LAGUNA – “TAOS puso akong nagpapasalamat, dahil meron pa pala na ganito, kahit hindi ka niya kakilala, taga saan ka man at ano ka, may ginintuang puso para tumulong sa kapwa”.
Ito angpahayag ni Pastor Renz Capungcol matapos magpaabot ng kanyang pasasalamat kay Philippine International Trading Corporation (PITC) President and CEO Usec. Dave Almarinez, sa panayam sa PILIPINO Mirror kahapon.
Ayon kay Capungcol, hindi inaasahang abutin ng lockdown sa Brgy. Mamatid sa lungsod ng Cabuyao ang anim na miyembro ng kanilang pamilya matapos bumisita ang mga ito sa kanyang kapatid na babae.
Dahil dito, hindi na muli pang nakabalik ang mga ito sa lungsod ng Taguig kung saan doon ang mga ito naninirahan.
Sa loob ng mahigit na isang buwan, wala na umanong nagawa pa si Capungcol para magtungo sa lugar at sunduin ang mga ito dahil na rin sa kakulangan ng kanilang pang-araw araw na pagkain dahilan para humingi ito ng tulong kay Almarinez sa kabila ng hindi sila gaano magkakilala.
Agad naman aniyang tumugon si Almarinez sa ipinaabot nitong mensahe at inalam nito ang lugar kung saan mabilisang nagpadala ito ng isang cavan bigas, mga de lata, tinapay at iba pang pagkain sa pamilya.
Samantala, naitala ang isinagawang pamamahagi ni Almarinez nitong nakaraang mga araw ng maraming face mask,
Personal Protection Equipment, (PPE) kabilang ang dressed chicken at maraming sako ng bigas sa bahagi ng unang distrito ng Laguna kaugnay ng pagtugon nito sa lahat ng mga pangangailangan ngayong panahon ng krisis sa bansa. DICK GARAY
Comments are closed.