KAANAK NG PUBLISHER HINIPUAN, TINDERO ARESTADO

arestado

LAGUNA – TWO Counts of Acts of Lacsiviousness ang kinakaharap na kaso ng 30 anyos na tindero matapos bastusin at hipuan nito sa maselang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang kabataang babaeng estudyante na malapit na kaanak ng isang publisher sa Lungsod ng San Pablo kamakalawa ng gabi.

Batay sa inisyal na ulat ni PLt. Col. Eliseo Berna­les, hepe ng pulisya, nakilala ang naarestong suspek na si alyas Froilan ng Pulanggi, Albay, pansamantalang naninirahan sa naturang lungsod.

Samantala, itinago naman sa mga alyas na Let, 14, at Nene, 18, ang mga biktima, pawang mga estudyante at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, sinasabing dakong alas-8:30 ng gabi ng maganap ang naturang insidente habang aktong idinaraos ang kapistahan ng lungsod.

Lumilitaw sa ulat na nagkatuwaan umanong mamas­yal sa plaza sa Rizal Avenue, Brgy. IV-C ang mga biktima kasama ang apat pa nilang kaklase ng salubungin ang mga ito ng suspek kung saan doon ito magkasunod na hinipuan sa maselang bahagi ng kanilang katawan.

Bukod aniya dito, nagawa pang hatakin nito ang mga kamay ng biktima makaraan ang insidente dahilan para makatawag pansin ito sa maraming tao sa lugar.

Sa pamamagitan ng nakatalagang miyembro ng mga Brgy. Tanod at pulisya sa lugar, agarang humingi ang mga ito ng tulong habang aktong kinokompronta pa ng mga ito ang suspek na hinihinalang bangag at wala sa tama nitong pag-iisip.

Inamin at humingi umano ng patawad ang suspek sa kanyang mga ginawa  na ngayon ay nakapiit na. DICK GARAY