ILOILO – NATUWA ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na natagpuang patay sa septic tank sa South Korea.
Ito ay nang maaresto ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) ang suspek sa pagpatay kay Michael Angelo Claveria ng Barangay Poblacion Rizal Ilawod, Cabatuan, Iloilo.
Kinumpirma ng kapatid ni Claveria ang pagdakip sa suspek na si Yugoslav Magtoto na tubong Pampanga.
Ayon kay Abella, labis ang saya na naramdaman ng kanilang pamilya dahil sa malaking development sa kaso ng kanyang kapatid.
Umaasa rin ito na magtutuloy-tuloy na ang hustisya para sa kanyang kapatid na walang awang pinatay.
Nabatid na natagpuan ang kalansay ng Ilonggo worker sa loob ng septic tank sa Hwaseong, Gyeonggi Province, kung saan nagtatrabaho bilang metal factory worker ang biktima at ang suspek.
Si Claveria ang naiulat na missing dalawang taon na ang nakalilipas kung saan noong nakalipas na Abril, nakuha ang kanyang kalansay sa loob ng septic tank. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.