KABABAIHAN AALALAYAN NG PNP

Archie Gamboa

CAMP CRAME-INIUTOS na ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa lahat ng pulis na nasa field na magbigay ng “assistance” sa mga “women in distress”.

Ito ay batay na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na ibigay ang lahat ng tulong sa mga babae na may “essential travel” upang bumili ng gamot, pagkain at iba pa na nagkakaproblema sa pagbiyahe dahil sa walang masakyan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, ipinagutos ni PNP Chief sa mga pulis na pasakayin at Ihatid sa kani-kanilang mga destinasyon ang mga babaeng stranded sa daan.

Partikular aniyang bibigyan ng atensyon ang mga matatanda at buntis, nursing mothers, at mga babaeng may kasamang maliliit na bata.

Sinabi ni Banac na ito ay katulad din ng serbisyong ipinagkakaloob ng PNP sa mga health workers at iba pang frontliners ngayong suspendido ang mga pampublikong sasakyan dahil  umiiral ang enhanced community quarantine. REA SARMIENTO

Comments are closed.