ISANG special tribute sa mga nagawa at naiambag ng lahat ng women leaders, athletes, coaches, employees, at mothers ang tampok sa virtual program ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa Marso kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Binigyang-diin ni PSC Chairman William ‘Butch‘ Ramirez ang extraordinary roles ng mga kababaihan sa paglikha ng social change at development sa bansa.
“To all women, grandmothers, and mothers, you deserve equal rights, equal treatment, and equal opportunity. In war, in calamities, in a pandemic, even in sports competitions, women play very important roles,” paliwanag ni Ramirez.
Sa isang statement sa pagdiriwang ng International Women’s Month, pinapurihan ng sport’s chief ang lakas at katatagan ng mga kababaihan, at sinabing, “today is an opportunity to reflect and admire women for their constant strength and resilience. Their help shapes us as persons and as a nation. For all the things you do, thank you and I wish you all a happy women’s day.”
Ang PSC ay lubhang aktibo at consistent sa mga programa nito para sa Women in Sports kahit sa panahon ng COVID-19 health crisis. Nagsagawa ang ahensiya ng serye ng libreng online seminars upang isulong ang kampanya nito para sa gender equality at women empowerment.
“This is our holistic approach to reach out to all the women in the country to be active in our leadership programs and encourage them to live a healthier lifestyle,” wika ni PSC oversight Commissioner for Women in Sports Celia Kiram.
Ang Rise Up Shape Up (RUSU) ng PSC ay isang weekly web series na ini-stream tuwing Sabado sa Facebook at YouTube, at tinatampukan ng iba’t ibang women experts at personalities sa layuning mabigyan ng inspirasyon at kapangyarihan ang mga kababaihan sa iba’t ibang larangan.
Sa episode nito noong nakaraang Marso 6 ay itinampok ng RUSU ang prized women boxers ng bansa, sa pangunguna nina 2012 AIBA Women’s world boxing champion at Southeast Asian Games five-time gold medalist Josie Gabuco, 2019 SEA Games silver medalist Riza Pasuit at bronze medalist Aira Villegas, na nagbigay-pugay sa kanilang mga ina para sa kanilang suporta at gabay sa kanilang mga career.
Sinabi pa ni Commissioner Kiram na magsasagawa sila ng webinar sa Marso 10-12 para sa PSC staff na may titulong, “Mainstreaming Gender Equality and Women Empowerment in the Philippine Sports Commission System.”
“This is important for the agency so everyone could be gender-sensitive and effective in making responsive programs, plans and policies. The learnings in this webinar will not be limited to their work in the office, they could also apply it in their own homes,” ani Kiram. CLYDE MARIANO
Comments are closed.