KABABAIHAN, KABATAAN KAKALINGAIN NG PNP

BILANG bahagi ng kanilang pagtalima sa Karapatang Pantao partikular ang paggalang sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan, isinagawa sa Camp Crame sa Quezon City ang sabay-sabay na talumpati (Simultaneous Recitation) bilang pangako sa “Panata ng Pagkalinga sa Kababaihan at mga Bata”.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. ang hakbang ay pagpapakita nila ng kanilang pagkilala mga Kababaihan at mga bata.

Habang nagkaroon din ng pagbibigay ng parangal sa PNP Personnel na nakapagtala ng Significant Accomplishment sa kanilang mga tungkulin.

Ang pagbibigay ng parangal sa mga katangi-tanging work performance ay nagbibigay ng inspirasyon hindi lamang sa mga pulis na kinilala kundi sa buong organisasyon at ehemplo rin ito para sa mga nais pumasok sa police force.

Kasunod nito ay ginunita rin ang International Day of United Nations Peacekeepers na pinangunahan mismo ni Danao.

Dahil sa okasyon, hitik sa mga aktibidad ang huling Lunes ng Mayo 2022 sa loob ng Camp Crame at sentro ang pagbibigay ng parangal sa mga katangi-tanging accomplishment ng mga pulis. EUNICE CELARIO