KABABAIHAN MAS GUMAGAMIT NG INTERNET

WOMAN-INTERNET

MAS maraming babae ang mahilig  gumamit ng internet kumpara sa kalalakihan ayon sa survey ng Social Weather Sta-tions (SWS) kung saan  halos kalahati ng populasyon ng Filipinas na nasa wastong edad  ay internet users.

Base sa inilabas na resulta  ng pag-aaral nitong nakalipas na buwan ng Marso,  lumabas na 46 percent ng adult Filipinos ang gumagamit ng internet.

Sinasabing  ‘statistically similar’ o halos walang pinagbago ang bilang ng mga Pinoy internet user kumpara noong nakaraan o huling quarters ng taong 2018 na nasa 47 percent.

Lumilitaw rin umano sa nasabing pag-aaral na patunay na may ‘upward trend’ o paparami nang paparami ang internet users sa bansa na nagsimula lamang sa walong porsyento noong Hunyo 2006.

Nabatid  din sa March 2019 survey na mataas ang  bilang ng mga babaeng Filipino na gumagamit ng internet na nasa 50 percent na ‘statistically tied’ din sa 49 percent noong December 2018.

Habang 41 porsyento  naman ang  mga lalaking Pinoy  na  internet users.

Nanatiling ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng internet users kum­para sa ibang lugar sa bansa simula pa noong taong 2006.

Base sa huling SWS survey, lumabas na 64 percent na ang internet users sa Metro Manila, mas mataas sa 48 percent ng Bal-anced Luzon, 39 percent ng Mindanao at 34 percent ng Visayas.

Pinakamarami naman na internet users sa bansa o 86 percent ay  ang  educated Filipinos na may age bracket na 18-24 years

Kung educational attainment ang pagbabatayan, 79 percent ay college graduates, 58 percent ang high school graduates, 33 per-cent ang elementary graduates at 11 percent ang non-elementary graduates.

Simula noong December 2015 ay nanatili na sa mahigit 30 percent ang internet users sa bansa at mahigit 40 percent simula 2018.                VERLIN RUIZ

Comments are closed.