KABAHAYAN PROTEKTADO VS LOOTING-PNP

PNP Chief Gen Camilo Cascolan

PINAWI ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Cascolan ang pangamba ng mga evacuee na mabiktima ng pagnanakaw o looting makaraang iwan ang kanilang tahanan para lumipat sa mas ligtas na lugar sa kasagsagan ng pananalasa ng mga Bagyong Rolly at Siony.

Sinabi ni Cascolan sa panayam ng PILIPINO Mirror na kasama sa kanilang contingency plan at preparasyon ang pagbabantay sa mga ari-arian ng mga apektado ng ka­lamidad.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag upang makumbinse ang mga tao na sumunod sa ipinatupad na forced evacuation para sa kanilang kaligtasan.

“Kadalasan kaya may resistant sa paglikas sa ating kababa­yan ay sa pangambang manakawan, kaya naman tinitiyak namin na babantayan ang kanilang tahanan, kabuhayan at alagang hayop,” ayon kay Cascolan.

Sinabi ng heneral na bahagi ng kanilang preparasyon ang hakbang kasama na ang  search and rescue operation, disaster response habang una nang nagpamigay ng relief goods ang pulisya mula sa kanilang itinatag na Food Bank.

Bukod sa pag-alalay sa mga apektado ng magkasunod na Bagyong Rolly at Siony, mahigit 4,000 pulis ang idineploy sa mga lugar na pinuntirya habang inalerto na rin ang Directorate for Integrated Police (DIPO), Regional Directors, provincial directors at ma­ging ang Police Maritime Group. EUNICE C.

7 thoughts on “KABAHAYAN PROTEKTADO VS LOOTING-PNP”

  1. 717010 568501We offer the very best practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to swiftly assess your difficulty and discover the very best remedy. 846660

  2. 640847 118084Thanks for some other excellent post. Where else could just anyone get that type of information in such an perfect means of writing? Ive a presentation next week, and Im at the search for such info. 228158

  3. 20618 326918I dont agree with this certain post. However, I did researched in Google and Ive discovered out which you are correct and I had been thinking inside the incorrect way. Continue producing quality material related to this. 581370

  4. 460741 359252Will you care and attention essentially write-up most of the following in my webpage in essence your website mention of this weblog? 223611

Leave a Reply

Your email address will not be published.