NILINAW kahapon ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi pa rin nila inirerekomenda ang pagbabakuna sa kabataan laban sa COVID-19.
Ito’y kahit pa naisyuhan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Moderna shots para magamit sa mga batang edad 12 hanggang 17-taong gulang.
“Although inaprubahan na ang EUA ng Moderna for 12 to 17 years old, hindi pa rin po binibigyan ng rekomendasyon ng DOH together with the experts in the vaccine cluster itong sa pagbabakuna sa mga bata,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa panayam sa radyo.
“Antayin natin na magbibigay tayo ng appropriate recommendation and this will come in the coming months. Pinag-aaralan pa rin pong mabuti,” dagdag pa ni Vergeire.
Matatandaang nitong Biyernes ay inaprubahan na ng pamahalaan ang pag-amiyenda sa EUA ng COVID-19 vaccine ng Moderna at pinayagan na magamit na rin ito sa mga batang edad 12 hanggang 17 taong gulang.
“After a thorough evaluation by our vaccine experts and our regulatory experts in FDA, we approved this Friday the use under EUA of the Moderna vaccine for adolescents aged 12 to 17,” ani Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.
Gayunman, nagbabala si Domingo na ang Moderna vaccine, na aniya ay kahalintulad rin ng iba pang mRNA vaccines, ang Moderna vaccine ay maaring magdulot ng rare cases ng myocarditis.
Paglilinaw naman ni Domingo, ang mga kaso ng myocarditis ay isa lamang sa bawat isang milyong kaso at mas madalas na dumapo sa mga kabataang lalaki.
“But definitely with the Delta variant affecting a lot of children, our experts saw that the benefit of using the vaccine outweighs the risk,” aniya pa.
Sinabi naman ni Vergeire na ibinase ng FDA ang desisyong mabigyan ng EUA ang Moderna sa mga dokumentong isinumite nito hinggil sa kaligtasan ng kanilang produkto at matapos na pumasa rin ito sa kanilang mga itinatakdang standards o mga panuntunan. Ana Rosario Hernandez
364073 38013Would love to constantly get updated excellent internet blog ! . 310507