NANAWAGAN ang pinuno ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) ng Cordillera Administrative Region sa mga kabataan na makibahagi sa agrikultura at tumulong sa paggawa ng mga patakaran upang mapabuti at gawing moderno ang sektor.
Sinabi ni RAFC Chairperson Ryan Palunan na magagamit ng mga kabataan ang kanilang pagkamalikhain at idealismo para makilahok sa pagbalangkas ng mga polisiya at rekomendasyon na makikinabang sa mga magsasaka.
Si Palunan, ang pinakabatang pangulo ng RAFC sa kasaysayan ng Agriculture and Fishery Councils, ay tutulong sa paggawa ng mga resolusyon at rekomendasyon na gagabay sa Department of Agriculture sa paglalaan ng badyet, pag-prioritize ng mga programa/aktibidad/proyekto, at paglutas ng mga isyu at alalahanin ng mga stakeholder ng industriya.
Ang 25-anyos na magsasaka mula sa Baguio City ay hinirang noong Marso bilang RAFC chairperson ng Cordillera Administrative Region’s Regional AFC nitong 2022.
Aniya, ang pagiging bahagi ng RAFC ay nagpapahintulot sa kanya na maging ambassador sa kanyang sariling lokalidad at naniniwalang ang agrikultura ay para din sa kabataan. EUNICE CELARIO