SISIMULAN ng Senate Committee on Youth ang pagtatanong sa mga ulat tungkol sa kakulangan ng pisikal na aktibidad at ambisyon ng mga kabataang Pilipino sa pagsisikap na makahanap ng mga hakbang na magpapaunlad sa kanilang kalidad ng buhay.
Naghain ng resolusyon si Senador Sonny Angara, namumumo ng komite, para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa isyu.
Ayon kay Angara, layunin nito na magkaroon ng isang estratehiya para matugunan ang mga isyung ito at itaguyod ang kalidad ng buhay para sa ating mga kabataan.
Tinutukoy niya ang mga isyung inilabas sa isang pag-aaral na inilabas ng World Health Organization (WHO) noong 2019.
Napag-alaman sa pag-aaral na apat sa lima, o 81 porsiyento, ng mga Pilipinong nasa edad 11 hanggang 17 ay kulang sa pisikal na aktibidad.
“While the study showed that a majority of adolescents worldwide were not meeting the minimum WHO recommendation of at least 60 minutes of daily physical activity, the fact that the Philippines was at the top of the list is alarming and immediate action should be taken to address this problem,” ayon kay Angara.
Sinasabi ng WHO na ang pagtaas sa pang-araw-araw na pisikal na aktibidad ay makapagpapabuti sa cardiorespiratory at muscular fitness, kalusugan ng buto at cardiometabolic, at timbang.
“Stronger policies should be in place to encourage the youth to engage in a more active lifestyle. Urban planning should also integrate more open spaces for sports and other activities to promote physical and mental health,” ani Angara.
“We should continue to promote the use of non-motorized transport such as bicycles as strongly as we did during the pandemic but this should go hand-in-hand with making our roads and communities more pedestrian friendly and conducive to walking,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO