Nagdiwang ng ikapitong anibersaryo ang D’Cherity Program nitong Abril 4, 2022 na pinangunahan ni Ms. Maricel Dalagunan kasama ang mga kabataan sa Phase 12 Covered Court Tala, Caloocan.
Sinuportahan ito ng Cute Kids in the Philippines Talent Agency Co. at Give Love and Share Program sa pangunguna ni Mr. Noefer Dela Cruz Rondilla o mas kilala sa tawag na Uncle Sam na direktor ng programa. Sumuporta rin si Ms. Rolet F. Borces, president and CEO ng Center for Community Assistance and Progress Inc. na siyang major sponsor ng nasabing programa. Isa rin sa mga sponsor ang Marinduqueña International Manpower Services, Oneta Botique, Marygrace Patenio at dumalo rin si Atty. Bullet Prado.
Dumalo sa pagdiriwang ang mahusay at sikat na batang artista na si Heart Ramos at ilang mga performer na sina Heart Agguire, Ginz Froyalde at international character na si JJ and Cocomelon Mascot habang host sina Twitty Bird Velasquez at Vincent Montoya.
Nagkaloob naman ng mumunting regalo sa kabataan si Joaquin Mortiz ng Homeschool Global sa Phase 12. Siya ay anak ng Actor/Director na si Direk Badji Mortiz.
Kilala at laman ng balita ang Phase 12 sa Caloocan na may hindi magandang imahe noon sapagkat ito ay pugad umano ng mga hindi magandang mga gawain na dati ay talamak ang bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot na isa sa tinutukan ng pamahalaan. Subalit hindi nag -atubili ang grupo ni Uncle Sam na magsagawa ng isang programa sa lugar upang bigyang daan ang kasiyahan ng mga kabataan dito.
Sa kauna unahang pagkakataon nagkaroon ng simple at masayang programa para sa kabataan ang isang private group na idinaos sa Phase 12 Barangay 188 Tala, Caloocan kamakailan lamang. Lubos na nagpapasalamat si Uncle Sam sa lahat ng mga dumalo.
Sa kabila ng negatibong imahe ng lugar ay mayroon pa ring positibong pangyayari sa kalagitnaan ng programa dahil nalaglagan ng cellphone ang ALVAKIDS at ito ay naibalik kaagad ng hindi pa nakikilalang kabataan ng Phase 12. Abangan ang buong kwento ng katapatan sa susunod na linggo.