KABATAAN PAG-ASA SA FEDERALISMO

Conrado Generoso.jpg

KAPAG aktibong lumahok ang lahat ng mga botanteng kabataan sa darating na halalan, naniniwala si Senatorial candidate Conrado “Ding” Generoso Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi (KKK) party na magtatagumpay ang pagsusulong ng federalismo sa bansa.

Base sa inilabas na datos ng Commission on Elections (Comelec) na 1/3 ng 61 mil­yong botante ay mga kabataan na edad 18 pataas.

Sa ginanap na Business Mirror Coffee Club, sinabi ni Generoso, dating Consultative Committee (Con-Com) Spokesman na nananatiling pangunahing isyu ang fede­ralismo partikular sa mga kabataan na kung saan ay sinusuportahan ng mga ito ang pagbabago ng sistema ng pamahalaan.

“The millennials and members of Gen Z are more receptive to a new system change,” ani Generoso.

Tinukoy nito, interesado ang mga kabataan sa inilahad na bagong economic opportunities sa ilalim ng federalismo partikular ang pagbibigay ng pantay-pantay na pamamahagi ng pondo ng pamahalaan sa mga rehiyon.

Kaya’t umaasa si Generoso na ang kandidatong pipiliin ng mga botante ay ang mga sumusuporta sa draft charter.

“It could be if the federalism issue becomes a strong issue in the election; then it will serve as prelude to the [possible federalism] plebiscite,” giit ni Generoso.

Aminado si Generoso, nakabase ang pagsusulong ng federalismo sa magiging resulta ng nalalapit na halalan kung mararatipikahan ito o hindi.

Iginiit pa ni Generoso, bilang kandidato sa pagka-senador ay isusulong nito at ng kanyang partido ang fede­ralismo at industriyalisasyon.

Aniya, partikular na nais nitong bigyang pansin ay ang mga kawani ng pamahalaan na siyang unang maaapektuhan kapag naipasa ang fede­ralismo dahil sa mababago ang government framework nito.

“We are talking here of 1.5 million bureaucrats who will be affected by the shift to a federal system. And naturally the first to resist would come from government because they are afraid what will happen to them,” giit ni Generoso.

Comments are closed.