PINAG-AARALAN na ng Zamboanga City- Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan ang mga kabataan na makalabas ng tahanan ngayong Holiday season kasunod ng pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar na chairperson ng IATF-EID, na suportado niya ang panukalang makalabas na ang mga bata sakaling bumaba na sa Level 2 ang alert status sa lungsod na ngayon ay nasa Alert Level 3.
“This (shift to Alert Level 2) will allow minors to experience the multi-million holiday decorations on display of the city government,” ayon sa alkalde.
Hanggang Nobyembre 29, batay sa Zamboanga Task Force Covid-19 data tracker na mayroon lamang 368 na aktibong kaso ng Covid-19 na mas mababa sa 394 noong Nobyembre 28.