NANANAWAGAN si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mga kabataan na makilahok sa midterm elections na idaraos sa Mayo 13.
Sa kanyang homiliya nang pangunahan ang isang banal na misa para sa National Youth Day (NYD), na idinaos sa San Carlos Seminary nitong Biyernes, iginiit ni Alminaza na mayroong ‘kapangyarihan’ ang mga kabataan upang baguhin ang resulta ng hal-alan kaya’t dapat nilang isabuhay ito.
Ayon kay Alminaza, kung magiging organisado at magiging malinaw lamang sa kanilang paninindigan, ang mga kabataan ay mayroong kakayahan at kapangyarihan upang pasimulan ang isang pagbabago sa bansa.
“You can sway the votes if you want to, if you get organized and be clear about your stand,” ani Alminaza.
Kasalukuyang idinaraos ang NYD 2019 sa Cebu, na itinuturing na pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataang Katoliko sa bansa. Ngayong taon ay dinaluhan ito ng may 12,000 pilgrims.
Inaasahang magtatapos ito ngayong Linggo, Abril 28, sa pamamagitan ng isang banal na misa na pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Gabriele Giordani Caccia.
Umaasa naman si Alminaza na ang naturang pagtitipon ay mag-iiwan sa mga pilgrims ng ‘sense of passion’ at ‘urgency to make a difference”.
“We need to undo, in as much as we can still undo it, whatever we have allowed to wreck havoc in our universe,” aniya pa. “We have to do something and we have the opportunity to do it. I hope you will rise up to the occasion.”
“I hope we will leave this NYD with a sense of passion and urgency to make a difference, to change the world around us and start to care for the mother earth,” dagdag pa niya. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.