KABATAANG MIYEMBRO NG NPA SUMUKO SA MILITAR

NPA

BULACAN – DALAWANG CPP-NPA Terrorists (CNTs) ang sumuko sa Campo ng 48th Infantry (Guardians) Battalion sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, matapos ideklarang Persona Nongrata sa nasabing bayan.

Sa report ni Lt.Cocjin kay 48th IB acting Battalion Commander Lt. Col. Emetrio Felix Valdez  at 7ID Commanding Maj. Gen. Lenard T. Agustin ang dalawang sumuko ay kapwa nasa edad 19-anyos.

Ayon sa mga sumuko handa silang makipagtulungan sa grupo ng militar, anila sila’y na-recruit ng grupong “Anakbayan” kung saan sumasama sila sa under ground ng grupo ng Kabataang Makabayan.

Anila matindi ang kanilang pangamba at pressure sa organisasyon ng New People’s Army kaya nagdesisyon silang kumalas noon pang buwan nang Disyembre 2018.

Simula noong nagla-lie low na sila at nito lamang sabado nakakuha sila nang pagkakataon na sumuko at nangakong makikipag-tulungan sa local government ng Pandi.

Samantala, ang dalawang sumuko ay bibigyan ng proteksyon at ng aplikasyon para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan. THONY ARCENAL

Comments are closed.