INILUNSAD ng Calamba Medical Center ang kanilang “KABATO KIDNEY CLUB” noong Setyembre 19. Isang programang inihahandog sa mga pasyente man o hindi sa buong Calabarzon at karatig na probinsya.
Libreng pamamahagi ng membership card na kung saan ay maaaring gamitin ng isang dialysis patient. Ilan sa mga benepisyo ang pagbibigay ng discount bilang pasasalamat sa kanilang unang anibersaryo. Sukli ito sa lahat ng kanilang pasyenteng dina-dialysis na tumatangkilik sa kanilang mura at magandang serbisyo.
Ang Kidney Center ay may kakayahang mag-dialysis ng 80 hanggang 100 na pasyente bawat araw. Dahil dito ay hindi na kailangan pang lumuwas ng Maynila ang mga nasa Calabarzon at kalapit na porbinsiya.
Mayroong malaki at malinis na pasilidad. Mababait at well trained na nurses sa Hi-Tech machines gaya ng hemodialysis, hemo-dialfiltration, at Body Composition Monitoring (BCM).
Naghahandog din sila ng treatment na Z Packages na kinakailangan ng isang pasyente. Handa rin silang tumanggap ng Philhealth at guarantee letters na galing sa local government offices bilang tulong sa pasyente.
Isa lamang ito sa maraming ideya na tinupad ng Calamba Medical Center bilang kauna-unahang Health Care City of the South. Isang One-Stop-Shop na health care sa buong Calabarzon. Naisakatuparan ito bilang bahagi ng kanilang 30th Founding Anniversary na handang maglingkod at magserbisyo sa mamamayan. CYRILL QUILO
Comments are closed.