KABAYANIHAN AT PAGMAMAHAL SA SARILING BANSA IPAMALAS

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawat Pilipino ay mayroong taglay na kabayanihan at pagmamahal sa sariling bansa kaya naman kanyang hinimok ang lahat na ilabas at ipamalas ito.

Ang paghimok sa kabayanihan ay ginawa ng Pangulo sa paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani o National Heroes Day.

Ayon sa Pangulong Marcos, ang lahat ng Pilipino ay dapat ipamalas ang kabayanihan at hayaan itong mag-alab ng kanilang dedikasyon tungo sa isang progresibong bagong Pilipinas.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga pagsisikap hindi lamang ng mga pinakakilalang bayani na nakipaglaban para sa karangalan at dignidad na tinatamasa ng bawat Pilipino ngayon kundi pati na rin ng mga hindi kilalang bayani na gumanap ng mahalagang papel sa paghubog ng Pilipinas.

“If all of this means anything, it is that each of us has the capacity to be a hero of our nation. Hence, on this year’s ‘National Heroes Day,’ I enjoin every Filipino across the globe to celebrate with a renewed understanding and sense of pride for the fortitude that is naturally abundant in our hearts as a people,” giit pa ng Pangulong Marcos.

Hindi rin dapat kalimutan ng sambayanang Pilipino ang maraming bayani at bayaning nag-alay ng kanilang buhay sa lahat ng kalayaang tinatamasa ng lahat ngayon kasama na ang maraming hindi kilalang at hindi pinangalanang mga Pilipino na gumanap ng mahalagang papel sa paghubog ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na napatunayan ng mga unsung heroes na hindi limitado sa Herculean ang kabayanihan dahil kasama rin dito ang tapat, maalab, at mahabagin na pamumuhay na ginagawa ng mga tao araw-araw.
EVELYN QUIROZ