KABAYANIHAN NG MEDICAL WORKERS, URING MANGGAGAWA, OFWs KINILALA NI CARDINAL ADVINCULA

KINILALA ng Archdiocese of Manila ang malaking ambag ng mga bayani sa pagtatanggol sa bayan at maging ang itinutu­ring na bagong ba­yani sa kasalukuyang panahon.

Kasabay nang pagdiriwang ng bansa sa National Heroes’ Day, sinabi ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na sa panahong ito ng pandemya, hindi lamang ang mga bayaning nagtanggol sa bayan noong panahon ng pananakop ng mga dayuhan ang kilalanin.

Dapat ding bigyang-pugay ngayong National Heroes’ Day maging ang mga indibidwal na patuloy sa paglilingkod sa bayan sa gitna ng ma­tinding panganib dala ng coronavirus pandemic.

“Sa panahong ito ng pandemya, itinuturing din nating bayani ang mga frontliner, lalo na ang mga medical wor­kers.  Sa ating paglaban sa Covid-19 virus, sila ay tunay na mga ba­yani.  Ang buong bayan ay nagpapasalamat sa inyo,” ani Advincula sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Sinabi ni Advincula na batid niya ang sakri­pisyo ng mga ito, lalo na ng mga healthcare worker, na pangunahing tumutugon sa lumalalang pandemya kung saan patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng virus.

Bukod dito, kinilala rin ni Advincula ang mga uring manggagawa sa iba’t ibang sektor na nagsusumikap itaguyod ang kanilang pamilya at nakatutulong sa patuloy na paggalaw ng ekonomiya ng bansa na labis naapektuhan ng pandemya.

“Kinikilala din natin ang kabayanihan ng mga ‘bagong bayani,’ ang mga tahimik na nagli­lingkod para sa ikabubuti ng iba, katulad ng ating mga OFWs at mga labo­rers sa iba’t ibang industriya,” ani ng cardinal.

Kasabay nito, hini­mok din ng Cardinal ang mga mamamayan na alalahanin  ang mga pumanaw na bayani na nagbuwis ng buhay alang-alang sa kalayaang tinatamasa ng bansa at pinakikinabangan ng bawat mamamayan ng kasalukyang heneras­yon.

“Sa ating pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, kinikilala natin ang mga dakilang ginawa ng ating mga bayani.  Tumatanaw tayo ng utang na loob sa kanila na inuna ang bayan bago ang sarili,” dagdag pa ni Cardinal Advincula. ANA ROSARIO HERNANDEZ

9 thoughts on “KABAYANIHAN NG MEDICAL WORKERS, URING MANGGAGAWA, OFWs KINILALA NI CARDINAL ADVINCULA”

  1. 420572 16280hi this post support me full . .should you want watches men go to my internet sites is extremely assist you for men watches. .thank man excellent job. 300313

  2. 48293 457067Hi, I think your website might be having browser compatibility issues. When I look at your blog in Ie, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, very good blog! 650677

  3. 114431 548385A person essentially support to make seriously articles I would state. This really is the initial time I frequented your internet site page and thus far? I surprised with the research you created to make this certain publish incredible. Fantastic job! 71993

Comments are closed.