KABAYANIHAN NG MGA KAWAL KINILALA NI DUTERTE

DUTERTE-40

KINILALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng mga sundalo hindi lamang sa pagtatanggol sa bansa kundi pati na rin ang kanilang kahandaan na ru­m­e­s­ponde maging sa anumang uri ng kalamidad na posibleng tumama sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-84 anibersaryo ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nanawagan din ang Pangulo sa sambayanan na mahalin ang mga sundalo ng bansa na aniya’y may malaking gagampanan pagdating sa  national security at disaster response.

“Ang sundalo kasi natin, sundalo ng bayan at utusan ng bayan at runner ng bayan at lahat na. Kagaya nangyari sa Mindanao, may earthquake, nandoon sila. ‘Pag magbaha, nandoon sila. ‘Pag may pumutok na volcano, sila ‘yung nauna,” wika ng Pa­ngulo.

“If there is disorder, they establish order. If there is a lawless environment, they provide stability. Ang sundalo natin, atong mga sundalo, they are everything and that is why you should love your soldier. Tayong mga Pilipino, tulungan natin.” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ang mga sundalo rin ang runner ng bayan kapag may baha, sumabog na bulkan, landslide at iba pang uri ng kalamidad at taga pamayapa kapag mayroong kaguluhan sa isang komunidad.

Inilahad din ng Pa­ngulo ang mga hamon na kinakaharap ng ating mga sundalo kabilang na ang usapin sa New People’s Army (NPA), kidnapping-for-ransom groups, Abu Sayyaf Group (ASG) at mga drug trafficker.

Tiniyak nito na patuloy na lalabanan ng pu­wersa ng gobyerno ang sinumang magtatangka ng masama laban dito at titiyakin nitong ipagtanggol ang kapakanan ng bansa.

“We have to assure that the next generation will be freed of these vagaries of life, especially itong droga for it will affect the quality of our nation tomorrow,” giit pa ng Pangulo.

“We cannot afford to get something like one-fourth of the population disoriented, insane because of drugs. It is our sworn duty to protect them,” sabi pa ng Pa­ngulo.

Mananatili aniya ang walang humpay na pagsawata ng administrasyong Duterte sa mga salot ng lipunan at umaasang lalabanan din ang katiwalian sa pamamagitan pagpapatupad ng mga internal reforms na naglalayong maiangat ang kalagayan ng mga sundalo at mapabuti ang kanilang mga karakter at competence para ma­gampanan ang kanilangn mandato.

Hinimok naman ng Pangulo ang mga sundalo na ipagpatuloy ang kanilang pagi­ging matapat at matatag na paninindigan upang maisulong ang kanilang misyon na ipagtanggol ang soberanya ng bansa at mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng bansa. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.